(Cristmas greetings delivered during the 2008 Christmas Party)
Kaibigan, sa kabila ng mga kasayahan na nagaganap sa iba't ibang lugar sa buong mundo dala ng pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus, maraming madidilim na balita na bumabalot sa Mga ating mundo sa ngayon. Ang iba sa atin ay sadyang madidilim na pananaw.
Kaya kung kayo man ay nakakaranas ng kadiliman kailangang magdasal lang po tayo. Ngunit pagkatapos ng inyong paulit ulit na pagdarasal ay madilim pa rin sa inyo, kailangan po magbayad kayo sa MERALCO.
Totoo nga pong may balita tayong naririnig at nababasa na may dalang dilim sa ekonomiyang pandaigdig. Marami na tayong nababalitaan patungkol sa economic crisis sa America, recession sa Europa, sa Japan at iba pang part eng mundo. Nabasa natin na ang pinakamalaking investment bank ng US ay na-bankrupt.
Ang pinakamalaking insurance company ng buong mundo ay bumagsak pati na ang pinakamahusay na boksingero ng America ay bumagsak na rin.
May kasabihan na kapag humatsing ang US economy, ang Pilipinas ay nagkakaroon ng trankaso. Ngayon, nabaligtad, mga kaibigan. Nasa 40 degrees na ang lagnat ng US, ang Pilipinas ay normal na normal pa. May mga humahatsing dyan pailan-ilan ngunit ang kabuuan ay nasa 36 degrees pa ang temperatura at ang iba ay nagpaparty pa dito.
May mga tao dyan na maaaring batikusin tayo dahil sa klase ng pagdaraos natin ng pasko. Pero mga kaibigan, marami tayong magagandang dahilan para tayo'y magbunyi ng ganito:
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating kompanya, ngayon lang tayo nakapagtala ng benta na P 2.6 Billion.
- Ang RCD Realty ay nahirang na Top Broker of the year ng Citihomes.
- Top Broker din tayo sa New Apec Development Corporation.
- At syempre Top Broker din tayo sa RCD Land ,Inc.
- At sa unang pagkakataon din ang RCD Land ay bumenta ng P 500 Million.
Kung kaya't dapat lang na bigyan natin ng parangal ang ating mga ahente na isa sa pinakamagaling sa buong industriya ng pabahay. Kaya mula sa kaibuturan ng aking puso nagpupugay ako sa inyong lahat. My heartfelt congratulations for a job well done.
I am so proud of you.
Maaring totoo na may panganib na darating sa pambansang ekonomiya ng Pilipinas katulad ng nasabi ko kanina. Ngunit sa panahon ng krisis may dalawang klaseng tao ang lumilitaw.
Ang isa ay si Malambot at ang isa nama'y si Matigas. Kung ikaw ay si Malambot, ikaw ay madaling manghina, madaling madiscourage sa mga negatibong balita at ikaw ay kaagad sumusuko na hindi lumalaban. Puro alibi ka lang.
Ngunit kung ikaw ay si Matigas at buo ang loob, ikaw ay hindi nadidiscourage sa mga bali-balita lamang. Ikaw ay lumalaban ng walang humpay. Mamatayan ka man ng MERALCO, magdilim man ang iyong kapaligiran, ikaw ay buong tapang na sasagupa sa dilim upang tiyakin na sa muling pagsikat ng araw ikaw ay matatag na nakatayo na hawak ang minimithing tagumpay.
Mga kaibigan pagkatapos ng 21 taon sa industriya ng pabahay, ang RCD group ay isa nang matigas na institution. Sa tulong ng mga matitigas na ahente, matitigas na empleyado at mga matitigas na namumuno, nalagpasan natin ang maraming pagsubok at unos na siya rin ang nagbigay sa atin ng tigas ng loob at taas na adhikain.
Kaya habang nandyan kayo at patuloy na nagkakaisa, buong lakas kong isisigaw na kaya nating gibain ano mang pagsubok at unos na darating.
Mga kaibigan, sa ating pagharap ng bukas, tatlong bagay lang ang ating pakakatandaan.
Kailangan natin ng positibong pananaw. A very positive mindset. If we are positive about the success of anything we do, the job is already half done.
Kailangan natin doblihin ang ating sipag. Kung dati'y nagagawa natin ang mga trabaho ng paupo, ngayon tayo ay tatayo at tatakbo kung kinakailangan.
Kailangan natin ng isang matalinong paggamit ng pera. Hindi naman tayo takot gumastos pero bawat piso nailalabas natin P 100 ang dapat pumasok.
Marami din namang mga positibong bagay ditto sa ating bansa na dapat natin pagtuunan ng pansin. Halimbawa:
Ang ating GDP or Gross Domestic Product ay lumago ng 4.7% ngayong 2008 at sa 2009 ay tinatayang lalaki ito ng 3.5% to 4.5%. Ito ang sinasabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ang krisis sa US ay nakita na ng ating economic managers noon pang 2007 kung kaya't ito'y napaghandaan nila ng husto. Katulad ng VAT at ang mahigpit na regulasyon sa mga bangko ay ilan lang sa mga hakbang ng ating gobyerno para mapalakas ang sinasabing economic fundamentals ng bansa.
Ang Dollar remittances galling sa mga OFW’s na ngayon ay nag-a-average ng $16 Billion a year ay hindi naman masyadong mababawasan sapagkat patuloy din naman ang pagpapadala natin ng mga skilled workers and other professionals sa Middle East, lalo na, kung saan boom ang construction industry.
Ang mga call centers ay mananatiling malakas dahil tayo pa rin ang No.1 destination ng mga nag-outsource dahil na rin sa English proficiencynatin at lalo na sa nangyaring bombing sa India na sinasabing kalaban natin sa call centers.
Ang ating gobyerno ay nagpatupad na ng mga malalaking infrastractura sa Luzon, Visayas at Mindanao. Dagdag pa rito ang mga politiko ay inaasahang maglalabas ng maraming pera sa eleksyon. Kung kaya’t sa 2009, maraming pera ang iikot sa kamay ng mga tao.
Ang ibig sabihin, may pambili ng bahay ang ating mga kababayan.
Malaki ang domestic market ng pabahay. Kung matatandaan ninyo mayroon tayong backlog na 4 Million units at bukod pa rin lumaki na rin sa 88 Million ang ating populasyon.
Dahil sa mga nabanggit, maganda ang ating pagtingin sa 2009. Katunayan sa February 2009 ang RCD Land ay magbukas ng 10 hectare project na lot only sa Tanay, Rizal. Mayroon tayong expansion na 3.5 hectares sa RCD Royale Homes at sa RCD Villas de Bacoor mayroon din.
Kung maganda ang performance natin ngayong 2008, ang 2009 ay gagawin nating mas maganda.
May kasabihan sa larong basketball at boxing na ang malakas na opensiba ay isang magandang depensa (A strong offense is the best defense). Ito ay totoo hindi lang sa laro kundi ginagawa rin ito sa mga negosyo at mga trabaho natin.
Kung kaya't sa 2009 maglulunsad tayo ng isang malakas na opensiba. Hindi natin papayagan na maapektuhan tayo ng mga krisis na yan. Lulunurin natin yan sa pamamagitan ng isang malaking marketing campaign na hindi nyo pa narinig sa kasaysayan ng atong kumpanya.
Sa 2009 dodoblehin natin ang ating pwersa. Mag-e-expand tayo sa Batangas, Laguna, Bulacan hanggang Pampanga. Sa darating na January 3 & 4, 2009 mayroon tayong Planning Conference at doon natin hihimayin kung paano natin matitiyak na makuha ang P 3.0 Billion sales for 2009.
Kaya natin ito! Kaya ba?
Proceed now to Affordable Vacation Homes
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment