Friday, July 3, 2009

BINAGOONGANG PATA

Mga Sangkap

1 pata pa chopped ng tamang laki
1 tasang alamang (shrimp paste)
1 sibuyas hiwaing panggisa
5 butil na bawang pitpitin
2 kamatis hiwaing panggisa
2 kutsarang suka
3 tasang 7UP o Sprite
3 kutsarang mantika

Paraan ng Pagluluto:

Pakuluin ang mantika. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis. Lutuing mabuti ang kamatis bago idagdag ang alamang. Kapag naluto na ang alamang idagdag ang suka. Pagkulo isunod na idagdag ang hiniwang pata. Hayaang magisa ng 20 minuto, haluin paminsan minsan para di manikit. Idagdag ang sprite sapat na singdami ng pata. Pag kulo ng niluluto hinaan ang apoy at hayaang maluto hanggang sa gustong lambot ng pata.

Tip : Anumang lutuin na may suka huwag hahaluin ang niluluto hanggat di kumukulo para di mahilaw ang suka.

No comments:

Post a Comment