Wednesday, August 19, 2009

Real Estate - Philippine Real Estate Festival pinasalamatan ang Pangulong Arroyo

Koronadal City (24 July) -- Pinapurihan at pinasalamatan ng mga opisyal ng Philippine Real Estate Festival (PREF) ang Pangulong Arroyo sa masigasig na pagpapatupad ng mga fiscal at economic policies na may malaking nai-ambag upang ang bansa ay maka-survive sa negatibong epekto ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Rosemarie Basa, Chairman ng Philippine Real Estate na ang pagiging host nito sa gaganaping 3rd PREF ay may layuning makapaghikayat ng maraming dayuhang mamumuhunan lalo na yaong nagnanais magpatayo ng property projects sa bansa.

Hinikayat din ni Basa ang mga mamumuhunan na suriin ang estado ng mga real estate projects na isinagawa ng ilang miyembro ng Philippine Real Estate lalo na't ngayon umano ang mainam na pagkakataon para sa pamumuhunan.

Ani Basa malaki din ang naitulong ng maayos na samahan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor at tiwala siya na mas mapatatag din ang magandang samahan sa ilang sektor ng bansa.

Dagdag pa nito na sa kabila ng nararanasang pandaigdigang krisis sa ekonomiya ang real estate ng Pilipinas ay nananatiling matatag at pinasalamatan nito ang pamahalaan partikular na ang Pangulong Arroyo sa pagpapanatili ng matatag na financial sector at ang pagiging business-friendly economy ng Pilipinas. (Abbenal/PIA 12)

http://www.pia.gov.ph/?m=12&fi=p090724.htm&no=58

No comments:

Post a Comment