Wednesday, August 19, 2009

Entertainment - Did Iwa Moto steal Valentina role?

Wala raw plano si Iwa Moto na tapatan o kalabanin si Katrina Halili bilang kontrabida.

Si Iwa ang gumaganap na Valentina sa pagbabalik ng Darna sa telebisyon, kung saan si Marian ang gaganap sa Pinay superhero. Incidentally, gumanap na ring kontrabida si Katrina kay Marian sa Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Marimar.

"Hindi ko kaya, hindi ko kayang lampasan kung ano man yung narating ni Katrina bilang Katrina Halili," sabi ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal.)

Mas gusto raw ng Fil-Jap young actress na magkaroon ng marka sa showbiz bilang si Iwa Moto.

Paliwanag niya, "Ang point ko dun, hindi ko naman malalampasan kung ano yung ipinakita niya, kung ano yung mga ginawa niya. Ako mismo, gagawa ako ng sariling pangalan ko. Gusto kong makilala ako hindi bilang kapalit ni Katrina, gusto kong makilala ako bilang si Iwa Moto."

WALANG AHASAN. Ano ang naramdaman ni Iwa nang nalaman niyang si Katrina supposedly ang gaganap na Valentina sa Darna?

"Thank you hindi niya tinanggap," natatawang sabi sexy actress.

Hindi naman daw niya sinulot o inahas ang naturang role mula kay Katrina.

"Ang alam ko, nag-fitting ako at lahat, ang alam ko, ako si Babaeng Linta. Tapos, nagulat na lang ako two days before ang story con, ako na si Valentina. Shocked ako! Tapos, hindi ako makapaniwala, tapos lahat sila iniiyakan ko. Kung nakita n'yo lang ang hitsura ko, namumutla ako nung araw na yun," kuwento ni niya.

Hindi raw naging dahilan ito para magkaroon sila ng gap ni Katrina.

"We're close," sabi niya. "Hanggang ngayon pinupuntahan ko siya sa bahay niya, kasi meron siyang mga machine sa bahay. Pino-promote ko talaga siya. Tambay ako sa bahay ni Katrina at nagpapapayat."

Ang tinutukoy ni Iwa na "machines" sa bahay ni Katrina ay pang-masahe, pampapayat, at pang-spa bilang sideline na negosyo ng huli.

Sabi rin ni Iwa, hindi naman daw nila napag-usapan ni Katrina ang tungkol sa Valentina role.

"Hindi pa kami nakakapag-usap about that. Kasi after story con, taping agad kami, e. As in nagmamadali kami, kasi ang bilis ng mga pangyayari," paliwanag niya.

http://www.gmanews.tv/story/169246/Did-Iwa-Moto-steal-Valentina-role

No comments:

Post a Comment